Miyerkules, Nobyembre 27, 2013

ekasiguro


"Buong Mundo Nakiisa sa mga Nasalanta ni Bagyong Yolanda"
https://www.google.com.ph
"Abot Kamay sa Pagsagip ng Buhay"

     Ang Bansang Pilipinas ay dumanas ng isang matinding unos na kung saan ang mga mamamayan ng Visayas, partikular na sa bayan Syiudad ng Tacloban, Cebu at Ormoc ay tila ba isang buhangin sa dalampasigan na himanpas at nilamon ng tubig.

    Sa di inaasahang pagkakataon na iyon ay maraming mga bahay, kabuhayan at pati buhay ang naglaho sa isang iglap dahil sa lakas ng kapangyarihang taglay nitong si Yolanda. May mga pagkakataong nadidinig pa din hanggang sa ngayon ang hikbi at panaghoy ng mga taong tinamaan ng tila ba isang nakamamatay na salot










Ang buong bansa ay nagtulong-tulong upang matugunan pansamantala ang mga pangunahing pangangailangan ng ating mga kababayan. Sadyang napakabuti ng Poong Maykpal dahil buong mundo ay umalalay at nagbigay ng kanilang kamay upang maiahong muli ang mga bayan at syiudad na winasiwas ni Yolanda.



   Nakakapangilabot ang sakunang naganap, ngunit nakakadurog puso naman ang pagtutulungan ng sangkatauhan saang panig man ng mundo upang muling iaahon ang tila ba lantang halaman at ibalik ito
sa yabong t upang maibalik ito sa dating anyo.
Kumilos tayo para sa bayan! 
    Kumilos ang Lahat Para sa Sangkatauhan!  Mabuhay at Pagpalain Nawa ng Diyos ang lahat ng May mga mabubuting kalooban.

                                                                      

                                                                                                                                   mjba27











    
   

7 komento: